Sunday, November 08, 2009

minsan ako'y naging bata

masaya ako pag umuulan. parang may matinding nostalgia siyang dala. those days na parang wala kang problema. mga panahong iniisip mo lang kung ano'ng next episode ng batibot, o ano'ng kwento ni kuya bodjie?

tama, kahit bata may issues din. nag-eevolve lang yan. depende sa age, nagle-level up din ang tao, parang ragnarok lang. pahirap ng pahirap ang kalaban.

pero alam mo, madali lang naman kalaban ang problema. isipin mo na lang, maraming mas naghihirap at nagdurusa. kaya tarantado ka kung mas iniisip mong kawawa ka. mas pathetic ka kung magpapakamatay ka. ang sarap-sarap ng buhay, itatapon mo lang bigla?

oh well, tungkol sa ulan. hmm last week ko pang pending ito nang minsan ay napag-usapan namin ni new-found friend (nff) anna ang ulan. tama, ulan nga. kung bakit masarap maligo sa ulan, at kung bakit nakakatakot ang ulan.

si ondoy at ang kanyang injustice league ang nagpasimuno ng lahat ng kapraningan sa ulan. dahil sa disaster na dinala niya, para nang armageddon (ispel?) ang typhoon sa balita.

pero nung ako'y musmos pa lamang, madalas akong maligo sa ulan. paborito ko nung bata ako, kasama sina pareng junior, jeff, jayjay, carlo, jeff, michael, buknoy, moy, bodjie, etc. na naliligo, naglalaro ng barilan, naghahanap ng bayawak sa gubat, naninirador ng isda sa ilog, at nagba-bike - mga aktibidades habang umuulan.

nung mas musmos pa ako, madalas kaming maligo sa ulan, at andun kami lagi sa ilalim ng bubong kung saan malakas ang bagsak ng tubig, parang falls.

noond high school, madalas pa rin akong maligo sa ulan. kaso umaakyat ako sa bubong namin at nagdaydream. wala pa sa isip ko ang love love na yan. gusto ko lang noon ng simple at payak na buhay.

college, sa totoo lang, namiss ko ang paliligo ulan. dream namin ng ex ko gawin un. kaso mahirap sa sitwasyon. ang sweet sana kung nagawan ko ng paraan. hayaan na. hindi ko ata siya nagawa noong college.

pero ngayon, ginagawa ko pa rin siya. ilang beses ko siyang ginawa ngayong taon na ito. naligo ako noon sa ulan. natatandaan ko noong bata na nakakagaling ng sakit ang unang unan ng mayo, ayon sa mga matatanda. ginawa ko yun. may mga panahon ding nakahiga ako sa sahig ng terrace habang naliligo sa ulan.

para sa akin, ang bawat patak ng ulan sa mukha ay simpleng paalala na masarap mabuhay. ang sarap-sarap ng naging buhay ko noon. ang sarap balikan ng mga tawa't hagik-hik ng mga panahong minsa'y tayo'y naging bata.

para sa iba, hindi na nila magagawa ang mga bagay nagpapa-alala ng kabataan nila. bukod sa dagat, ako, marami pang iba. ito marahil ang dahilan kung bakit para akong si peter pan. habambuhay akong magiging bata para sa sarili ko.

sa ngayon habang sinusulat ko ito, naalala ko kung paano ako tumawa noon :) ang sarap :)

No comments: