minsan iniisip natin, "bakit may mga taong ganito ang ugali?" naisip ko lang ito nitong mga nagdaang panahon. dumating sa puntong mahirap maglakbay ng may pabigat na bagahe. marami akong binabago sa sistema ko. marami akong masasamang bagay na tinanggal, mga bisyong hindi na ginagawa, at marami pa akong dapat baguhin sa sarili ko. aaminin ko, napakasarap ng pakiramdam sa bago kong buhay.
pero sa bago kong buhay, panahon na para sarili ko naman ang intindihin. ayaw ko na intindihin ang mga bagay na hindi ko gusto. ayaw ko magpadala sa mga imbitasyong pabalang. mas gusto ko ang quality time sa sarili, o kaya maghanap ng partner. matanda na ako. 29 na ako. layon ko na ang magkaroon ng girlfriend, at kilalanin siya. hindi na ako magpapabandying-bandying. wala na steady mode dahil hindi tanga ang Diyos. ayaw Niyang tatamad-tamad ang tao kakahintay at dasal na makilala na niya ang "the one" ng puso. dapat tayong kumilos para makilala ang one true love.
marami na akong hindi naeenjoy. sawa na ako sa buhay binata. ayaw ko na ng gimik, bisyo, night outs. gusto ko laging nasa bahay, nagpapahinga, nageexercise, nagjojogging, tumatakbo. ayaw ko na sa sigarilyo at alam. bukod sa may cyst ako sa kidney, personal na desisyon ko noon pa man ang clean living.
maraming nagsasabi na ang boring kong tao. hindi na ko umiinom at wala na ko bisyo. hindi ako mahilig sa one night stand, kasi gusto ko mahal ko ang taong niroromansa ko. ano naman ang masama run?!
ang pag-iwas ba sa bisyo eh kakulangan sa pagkatao? tarantado! kaya mo ba magpigil uminom sa parties? ako, kaya ko. nasasabihan na akong "pastor" at "kj" dahil sa bago kong lifestyle...
dudes, choice ko ito eh. ang mga desisyon nyo, pinapakiaalaman ko ba? hindi. ang mga trip nyo, binabatikos ko ba? hindi. oh eh bakit big deal? naiinggit kayo?
sabi ng close friends ko seasonal lang daw ako. eventually, babalik din ako sa bisyo ko. mag-iinom daw ulit ako, at maninigarilyo. tama kasi dati pa akong ganun. pero sana, respetuhin na lang ninyong lahat ang desisyon ko. i don't expect people to support me. just let me be. ok? mahirap ba yun?
this time, i will no longer adjust to people. and i don't want people to adjust for me. we are different individuals. people change. time change. and i changed, for the better.
1 comment:
wow!aliw tong blog mo ha:)) CLEAN LIVING. yeahhh :))
Post a Comment