minsan hindi mo alam, at hindi mo rin masabi kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay? gusto mo ba ng kapareha? gusto mo ba ng trabahong yayaman ka bigla, pero hindi ka masaya? gusto mo bang maging taong grasa? madami eh! anak ng tokwa.
dahil dyan, pag-usapan naman natin ang love... ang labo ng intro!
lately medyo marami akong naririnig na love problems. may kakabreak lang dahil yung partner ay sumama sa iba. may isa namang hindi alam kung paano mag-grow sa relationship, kaya nalilito kung tama bang ituloy o tama bang itigil. may isa namang kakabreak lang din dahil for a better cause... isang mutual decision. may isa namang hindi pa rin maka-move on dahil mahal niya. may mag-asawa namang nahihirapan sa long distance relationship, at ang asawa naman ay nagbubuhay single. may isa namang parang nain-love kasi ang drama ay "pwede na yan," pero kung tutuusin, hindi niya alam kung mayroon ba silang patutunguhan.
hindi ko alam. hindi ko talaga alam kung bakit bigo sa love life, o kaya naman ay may struggle ang mga kakilala ko?
ewan ko, bakit ang pambihira sa love ay ang pagsasadula ng isang trahedya? karamihan ngayon ay wala na ring happy ending. tarantado kasi sa showbiz, uso ang annulment, uso ang divorce, uso ang live in, uso ang scandal... kaya sa public norm, nagiging social form na ang single parenthood, at mga broken marriage. bakit? kasi sari-sari na ang naiisip ng tao. andaming alibi gaya ng "hindi pa ready," "it's not you, it's me," we're not meant for each other," "we're just friends," at sandamak-mak pang mga kahayupang linya.
hindi sa bitter, pero putang ina nga, ako hirap na hirap makahanap ng babaeng tama, pero maraming tao sa mundo, swerte na sa syota/asawa, pinapabayaan pa.
uso pa ba ang pinaglalabang love? ano nga ba ang guage kung susuko ka na? hanggang kailan ba dapat mahalin ang isang tao?
sa ngayon napaka-choosy ko. hindi naman ako guapo?! ni masabing hot, hindi ko maririnig kung walang isang daan na naka ipit. bakit? kasi ayaw ko sanang makasakit ng tao. gusto ko kung sino ang susunod kong gelpren, huli na. kelangan ang babaeng ito siya na ang tama. kung hindi pa, may panahon pa para i-atras ang gera.
2 comments:
wow... na speak-less ako dun ah... :p
at bakit izpeakz less?!
Post a Comment